Governance & Policy
Breaking
P406-M PONDO NG DOT SA PANAHON NI FRASCO, NAHOKUS-POKUS!
Tapos na ang termino ni Christina Frasco bilang secretary ng Department of Tourism (DOT) noon pang Marso, subalit hindi natatapos ang kaniyang pananagutan sa batas.
Tapos na ang termino ni Christina Frasco bilang secretary ng Department of Tourism (DOT) noon pang Marso, subalit hindi natatapos ang kaniyang pananagutan sa batas.
Ang P406-milyong pondo kasi ng DOT noong siya pa ang namumuno sa ahensya, nawalang parang bula. Mag-iisang taon na, pero hindi pa rin nali-liquidate.
Si Frasco ‘yung secretary ng DOT na gusto palaging nasa promotional materials ng DOT —- mapa-magazine, billboard, tarpaulin sa airports at iba pa. Basta kapag may photoshoot, laging andun siya. Ang ending, sinibak ni BBM.
Kung hindi mo nga siya kilala, aakalain mong isa siyang model o artista. Kaya sa halip na tumaas ang tourist arrival noon, bumagsak pa lalo ang Philippine tourism. Bumaba rin ng P292-milyon ang assets ng ahensya, habang tumaas naman ng P152-milyon ang liabilities.
Madame former DOT Secretary Christina Frasco, tutal naman ho e gusto nyo palaging nasa limelight, this is now your best opportunity to step into the spotlight. The Filipino people demand a full and clear explanation from you where OUR money went!